02.16.10
Naisip ko lang.. mahaba pala ang araw, hindi katulad ng gabi. Sa gabi kasi, pwede ka lang matulog tapos pagdilat ng mga mata mo, umaga na. Naisip ko yun nang namahinga ako sa pagtatrabaho, isang linggo rin yun. Sa pinakaunang pagkakataon sa aking buhay, panandalian akong namahinga dahil isinugod ako sa hospital noong Lunes. Ang lupit naman ng pagbati sa akin ng bagong taon. Wala akong ginawa buong linggo kundi matulog, higa, manood ng tv at uminom ng gamot. Nakakabagot.
At kagabi, balik na naman ako sa trabaho. At bigla na namang bumilis ang mundo ko dahil gising na naman ako buong gabi. Hindi naman nakakabagot, nakakapagod lang. Ewan ko, sabi nila, kung napapagod ka na, sino bang hindi? Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung anong gagawin ko sa buhay ko. Kailangan ko ata ng bakasyon.
Sige lang, dahan-dahan lang.
Naisip ko lang.. mahaba pala ang araw, hindi katulad ng gabi. Sa gabi kasi, pwede ka lang matulog tapos pagdilat ng mga mata mo, umaga na. Naisip ko yun nang namahinga ako sa pagtatrabaho, isang linggo rin yun. Sa pinakaunang pagkakataon sa aking buhay, panandalian akong namahinga dahil isinugod ako sa hospital noong Lunes. Ang lupit naman ng pagbati sa akin ng bagong taon. Wala akong ginawa buong linggo kundi matulog, higa, manood ng tv at uminom ng gamot. Nakakabagot.
Sige lang, dahan-dahan lang.

2 comments:
kailangan mo mag-unwind. kailangan kasama ako. hahahahaha
saan? kailan? paano? hahaha
Post a Comment